LOLA, 2 PA ARESTADO SA P17.5-M SHABU

ARESTADO ang isang 59-anyos na lola at dalawang umano’y kasabwat nito makaraang makumpiskahan ng tinatayang P17.5 milyong halaga ng shabu sa Caloocan City, noong Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ang mga arestado na sina Bon Joni Visda y Angeles, 25, binata, istambay; Josephine Rada y Mago, 59, may asawa, istambay, at Mae Jane Rada y Mago, 23, dalaga, online seller, pawang ng B53, L3, Phase 12, Brgy. 188, Tala, Caloocan City.

Nasakote ang tatlo sa kanilang bahay dakong alas-5:10 ng hapon matapos isumbong na umano’y nagtutulak ng ilegal na droga, Makaraan ang isang linggong surveillance operation, isinagawa ng mga awtoridad ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Aabot sa 2,575 gramo ng umano’y shabu na tinatayang P17,510,000 ang halaga, ang nakumpiska sa mga suspek. (ALAIN AJERO)

181

Related posts

Leave a Comment