2 TIRADOR NG PUBLIC SCHOOLS, NABITAG

BATANGAS – Nadakip ang dalawa katao na responsable sa serye ng nakawan sa mga pampublikong eskwelahan sa lalawigang ito.

Base sa ulat na nakarating kay Batangas Police Provincial Director, P/Col. Rex Arvin Malimban, kinilala ang mga suspek na sina John Adrian Liwag y Pagala, 21, residente sa Brgy. Poblacion, Ibaan, Batangas, at John Carlo Gabriel Geonzon y Sarmiento, 19, ng Brgy. Talalbon, Ibaan, Batangas.

Napag-alaman ng pulisya, ang dalawang suspek ang siyang responsable sa pagnanakaw ng mga kagamitan sa iba’t ibang eskwelahan sa Batangas City, Lipa City, Tyasan, Padre Garcia, Lobo, Cuenca at Balete sa naturang lalalwigan.

Samantala, ginawaran ng pagkilala ng BPPO ang dalawang pulis na nakahuli sa mga suspek.

Ang mga ito ay sina P/SMS. Carmelo Arrevalo Caraig at P/MSgt. Leonardo Merle Ayala ng Batangas City Police Station.

Ang mga suspek ay nadakip ng nasabing mga pulis sa Kaingin Elementary School sa San Pascual, Batangas noong Mayo 2,2021. (CYRILL QUILO)

81

Related posts

Leave a Comment