DEBATE SA WEST PHILIPPINE SEA ISSUE, TIGILAN NA

MANAHIMIK na!

Ito ang unsolicited advise ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa mga opisyal ng Malakanyang kasunod ng pag-atras ni Pangulong Rodrigo Duterte sa hamon nitong debate kay dating Chief Justice Antonio Carpio sa isyu sa West Philippine Sea.

“Kapag damage control at sobra ang damage control at sobrang obvious na ang damage control lalong nagkakadamage yan. Kung ako magbibigay unsolicited advise siguro mas maganda manahimik na lang. Wag na maglabas ng kung anu-ano. Natapos na. Naghamon, sinagot, kinol, hindi naman natuloy. Tama na, sana wag na gumagawa pa ng side issues lalong nada-damage,”pahayag ni Lacson sa panayam ng DWIZ.

Partikular na rito si Presidential Spokesman Harry Roque na nagsabi pa na hindi magiging patas kung si Pangulong Duterte mismo ang makikipag-debate.

“Yun na nga ang sinasabi ko na dapat tahimik na wag na gumawa ng marami pang sagot o katwiran o palusot,” diin pa ni Lacson.
Ipinaalala rin ni Lacson na sadyang matindi ang mga netizen makaraang mag-viral ang #Duterteduwag.

“Alam mo social media sites napakalupit niyan. Ako mismo biktima ako dyan. Ako independent ako lagi mag-isip, kapag kailangan purihin, pinupuri. Experience ko yan pag pinuri ko ang pangulo ayan na ang yellow group ganundin kapag pinitik ko nang konti, eto naman ang DDS,” giit ng senador.

Samantala, sinabi naman ni Senador Imee Marcos na hindi naman na dapat pang pagdebatehan ang isyu dahil alam naman na ng publiko kung sinot talaga ang may kasalanan sa isyu ng Scarborough Shoal.

“Ang nangyari inabandon natin at kinuha na ng Chinese boats. So yung sinasabi ni presidente na debate bakit naman sya magdedebate alam naman ng lahat ang nangyari. Ang arbitral ruling non-enforceable, obvious ba?”diin ni Marcos. (DANG SAMSON-GARCIA)

119

Related posts

Leave a Comment