11 PA TUMBA SA COVID SA CALOOCAN

TANGING ang Caloocan City ang nakapagtala ng bagong namatay sa COVID-19 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area, sa bilang na 11 noong Mayo 8.

Habang umakyat sa 1,555 ang active cases at naitala ang total confirmed cases sa 28,142. Sa bilang na ito ay 25,782 na ang gumaling at 805 na ang namatay, na pinakamarami sa CAMANAVA.

Sumegunda naman sa dami ng active cases ang Valenzuela City na may 1,071 aktibong kaso makaraang 129 ang nagpositibo at 164 ang gumaling.

Pangalawa rin ang lungsod sa dami ng kumpirmadong kaso sa bilang na 18,230, at mula rito ay 16,702 na ang gumaling. Hindi naman nadagdagan ang 457 death toll sa nasabing petsa.

Nanatili ring 416 ang COVID death toll ng Malabon City matapos na wala ring naiulat na casualty. Labing-apat naman ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 12,556 na ang positive cases sa lungsod, 337 dito ang active cases. Limampu’t apat naman ang gumaling at 11,803 na ang recovered patients.

Wala ring namatay sa COVID sa Navotas City sa nabanggit na petsa at 300 ang active cases matapos na 45 ang gumaling at may isang nagpositibo.

Pumalo na sa 10,601 ang confirmed cases sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 9,963 na ang gumaling at hindi gumalaw ang 338 death toll. (ALAIN AJERO)

 

156

Related posts

Leave a Comment