2 PANG MMDA TRAFFIC ENFORCERS SIBAK SA EXTORTION

DALAWA na namang traffic enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang tinanggal sa serbisyo dahil sa pangongotong sa motorista.

Nang mapatunayan sa imbestigasyon ng MMDA na nanghingi at tumanggap sina Mark James Ayatin at Jason Salibio ng P300 mula sa isang Christ Edward Lamagui ay inaprubahan ni MMDA Chairman Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. ang pagtanggal sa dalawa dahil sa kasong “grave misconduct as public employees”.

Sina Ayatin at Salibio ay nakadestino sa C5 Special Traffic Zone sa Lungsod ng Taguig.

Ilang araw na ang nakalipas nang sinibak din ni Abalos ang regular traffic enforcers na sina Edmon Belleca at Christian Malemit makaraang mapatunayang nangikil ng P1,000 sa isang motorista sa Quezon City.

Nakunan ng camera ang ginawa nina Belleca at Malemit na naging viral sa social media.

Nging Viral din sa social media ang kaso nina Ayatin at Salibio.

Naghain ng reklamo si Lumagui sa MMDA noong Mayo 12 laban kina Ayatin at Salibio dahil pangingikil sa kanya ng P300 noong Mayo 7 sa kanto ng Levi Mariano Avenue at C5 Road sa Taguig.

Si Lumagui, kasama ang pinsan niya ay nag-U-turn, dahilan upang sitahin siya ng dalawang traffic enforcers bunsod ng traffic violation.

Nakiusap si Limagui ngunit hindi siya pinakinggan nina Ayatin at Salibio. Dahil dito, sinabi ni Lumagui na tiketan na lang siya kung mayroong nilabag na batas-trapiko.

Ngunit sinabi nina Ayatin at Salibio na tutulungan nila si Lumagui hanggang humingi ang dalawa ng P300 sa motorista.

Idiniin ni Abalos na labag sa patakaran at alituntunin ng MMDA ang pangingikil sa mga motorista. (NELSON S. BADILLA)

136

Related posts

Leave a Comment