‘Killer’ ng call center agent tiklo rin 2 RAPE SUSPECTS NASAKOTE

ARESTADO sa mga awtoridad ang dalawang wanted sa kasong rape at isang suspek sa pagpatay sa isang call center agent, sa mga lungsod ng Valenzuela at Caloocan.

Nasakote sa Valenzuela City ang dalawang most wanted persons sa Calabarzon at Regions 8 sa magkahiwaly ng operasyon ng mga awtoridad sa nasabing lungsod.

Bandang alas-12:30 ng madaling araw noong Mayo 14 nang matimbog ang no. 15 most wanted person sa Calabarzon, sa Kaypadan St., Canumay West, Valenzuela City na si Roscoe Alve y Magaling, 36, negosyante, at residente ng Canumay West.

Dinakip si Alve sa bisa ng warrant of arrest sa kasong ‘murder and robbery with violence against or intimidation of person’ na inisyu ng Regional Trial Court ng Biñan City, at walang inirekomendang pyansa.

Si Alve umano ang suspek sa pagpatay sa isang call center agent noong Hulyo, 2020 sa San Pedro, Laguna.

Inaresto sa hiwalay na operasyon ang no. 3 most wanted person sa Region 8 na si Jose Gache y Florendo, 63, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 23, Allen, Northern Samar, na may petsang Disyembre 16, 2013, sa kasong rape in relation to violation of Republic Act 7610 (child abuse)

Nadakip si Gache sa Sto. Rosario St., Karuhatan, Valenzuela City dakong alas-11:15 ng umaga noong Mayo 15.

Samantala, isang 54-anyos na mekanikong wanted sa two counts ng rape at itinuturing na kabilang sa most wanted persons, ang dinakip sa bisa ng warrant of arrest sa Caloocan City.

Hindi nakaporma si Reynaldo Fernandez y Cruz, may asawa, ng Blk. 26, Lot 17, Maligaya Park Subdivision, Barangay 177, Caloocan City, nang dambahin ng mga parak dakong alas-9:10 ng gabi noong Huwebes sa kanyang bahay.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Raymundo G. Vallega, presiding judge ng Regional Trial Court Br. 130 sa Caloocan City. Walang inirekomendang pyansa ang korte para sa nasabing suspek. (ALAIN AJERO)

136

Related posts

Leave a Comment