17-ANYOS PABABA BABAKUNAHAN DIN

HANDA ang pamahalaan na bumili ng bakuna na akma para sa mga 17 years old below.

Ito ang siniguro ni Chief Implementer at vaccine czar Carlito Galvez, Jr. sa harap ng ulat na maaari na rin umanong ipagamit ang ilang US brand vaccine sa nasabing age bracket.

Aniya, hindi nawawala sa vision ng pamahalaan na maprotektahan din ang mga kabataan sa harap ng pinalalakas na vaccination program ng gobyerno.

“Ang nakikita po natin i-evaluate pa po kung talagang bababa na po tayo, kung puwede na pong bumaba ang mga vaccine po na ito kasi ginagamit po nila ito,” ani Galvez.

Iyon nga lamang, ang kailangan lang, ani Galvez ay direktiba o approval na magmumula sa Food and Drugs Administration at sa vaccine expert panel.

Samantala, inirekomenda naman ng Centers for Disease Control and Prevention ng Estados Unidos ang Pfizer COVID-19 vaccine na ipaturok na sa edad 12 to 15. (CHRISTIAN DALE)

100

Related posts

Leave a Comment