TUMAGAL muna ng anim na oras ang pagpapalitan ng mga putok ng military at kilabot na Bungay Brothers bago napasuko ang mga ito ng mga sundalo sa inilunsad na law enforcement operation sa Pikit, North Cotabato.
Kinilala ni Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., commander ng Western Mindanao Command ang nadakip na notorious lawless elements na sina Montukan Bungay at Walo Bungay.
Ang magkapatid ay namumuno sa isang kilabot na armed lawless group (ALG) at kabilang sa most wanted persons sa Region 12 (Soccsksargen).
“While combined elements of the military’s Joint Task Force Central and Pikit PNP were approaching the targets’ area to serve arrest warrant against Montukan Bungay and Walo Bungay, they were fired upon by the targets who tried to elude arrest,” ani Lt. Gen. Vinuan Jr.
Ayon kay BGen. Roberto Capulong, commander ng Army 602nd Infantry Brigade, nahuli nila ang magkapatid sa isang marshland sakop ng Barangay Bualan.
Ang magkapatid ay may warrants of arrest para sa mga kasong robbery with homicide, murder at frustrated murder.
Sa report na isinumite ni Capulong, nagtangkang tumakas ang magkapatid nang sumalakay ang mga pulis at sundalo para ihain ang dala nilang warrant kaya nagkaroon ng anim na oras na running gun battle.
“The Kampilan Troopers will continue to support our partner agencies in the conduct of law enforcement operations in central Mindanao,” pahayag naman ni Maj. Gen. Juvymax Uy, commander, Joint Task Force Central.
Ayon kay Lt. Gen. Vinluan, Jr., simula Enero 2021, nasa 123 lawless elements na ang kanilang na na-neutralize sa Central Mindanao, 14 dito ang napatay sa engkuwentro, isa ang sumuko at 108 ang naaresto. (JESSE KABEL)
171
