10 DINAMPOT SA TUPADA SA MALABON

ARESTADO ang sampu katao sa pagsalakay ng mga pulis sa isang tupadahan sa Malabon City noong Linggo ng tanghali.

Kinilala ni Malabon Police chief, Col. Albert Barot ang arestadong mga suspek na sina Rene Nanca, 38; Nestor Anggoring, 28; Richard Cagas, 31; Danny Tigawon, 54; Vicente Endrano, 45; Edgar Dela Cruz, 43; Jaime Crispo, 57; Joseph Biraquit, 37; Jerry Tigauon, 51, at Rowel Ogacho, 41-anyos.

Ayon kina P/SSgt. Michael Oben at P/SSgt. Jeric Tindugan, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Malabon Police Station Intelligence Section (SIS) hinggil sa nangyayaring tupadahan sa T.S. Cruz St., Brgy. Panghulo.

Bunsod nito, bumuo ng team ang pinagsanib na mga tauhan ng SIS, sa pangunguna ni P/Lt. Joseph Alcazar, at Sub-Station 3, sa pangunguna ni P/Maj. Carlos Cosme Jr.

Agad sinalakay ng mga pulis ang naturang lugar dakong alas-11:45 ng umaga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek. (FRANCIS SORIANO)

190

Related posts

Leave a Comment