SUSUNOD NA LIDER NG BANSA, NAHAHARAP SA MATINDING MGA PAGSUBOK

INISA-ISA ni Senador Panfilo Lacson ang mga pagsubok na posibleng kaharapin ng susunod na lider ng bansa.

Ayon kay Lacson, dapat ikonsidera ng lahat ang mga pagsubok na ito bago magdesisyon.

“Sailing into the sea is the easiest decision to make. Not knowing how rough the water is the dangerous part. Measuring one’s skills in steering the boat is a big responsibility especially when people’s lives depend on it. Best to think long and hard. It is not a game or a joke,” diin ni Lacson.

Kabilang sa tinukoy ng senador ang utang ng bansa na umaabot na sa P10.774 trilyon hanggang noong March 2021 at posible pang lumobo sa P10.991 trilyon.

Isama na rin anya ang 3.44 million Filipinos na walang trabaho hanggang noong Marso at ang kakapusan ng revenue collections.

Ang nakolekta umanong revenue ay nasa P2.84 trilyon kasama na ang non-tax revenues tulad ng dividends, fees, kumpara sa original target na P3.25 trillion.

Bukod dito, dapat din anyang ikonsidera ang kawalan pa rin ng kasiguraduhan sa sitwasyon sa pandemic hindi lang sa bansa kundi sa buong mundo.

Gayundin ang mga problema sa isyu ng West Philippine Sea, illegal drugs, corruption at iba pang usapin sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

“And God knows what else,” diin pa nito. (DANG SAMSON-GARCIA)

224

Related posts

Leave a Comment