Hamon sa gustong maging lider SOLUSYON SA PROBLEMA NG BANSA PAGHANDAAN

INIHAYAG ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na hindi kandidatura ang pinakaimportanteng dapat paghandaan ng isang nagnanais na mamuno sa bansa dahil bago niya ito isipin ay kailangan munang mahanap nito ang solusyon sa mabibigat na problema ng responsibilidad na papasukin.

Ayon kay Lacson, ang tunay na mabigat na trabaho ay hindi sa kampanya kundi pagkatapos nito dahil haharapin ng bagong pinuno ang ga-higante na problema tulad ng pambansang utang, kawalan ng hanapbuhay at patuloy na katiwalian.

“It’s not about prestige or being part of history as being the President of the country. The more important thing is to ask yourself if you can solve the country’s problems. Ang importante: Kaya ba, at may solusyon ba?” banggit ng mambabagtas sa panayam ng DWIZ radio.

“There is also a need to seek the advice and ideas of economic experts and other experienced persons to find solutions – short, middle and long-term – to confront and address the problems aggravated by the pandemic,” aniya.

Bukod sa kawalan ng trabaho, katiwalian at pambansang utang na umabot na sa P10.991 trilyon nitong Abril, inilista ni Lacson ang iba pang malalaking problema na dapat harapin ng susunod na pinuno: ang isyu sa West Philippine Sea, ang P9.6-trilyon seed money para sa pensyon ng military and other uniformed personnel (MUPs), at ang taunang badyet na hindi bababa sa P1 trilyon para sa Internal Revenue Allotment (IRA) dahil sa Supreme Court ruling sa Mandanas petition. (ESTONG REYES)

189

Related posts

Leave a Comment