GALVEZ, DUQUE SINISI SA COVID-19 SA MINDANAO

DIREKTANG sinisi ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez si vaccine czar Sec. Carlito Galvez sa pagkamatay ng mga tao sa Mindanao dahil sa COVID-19 dahil hindi umano binigyan ng prayoridad ang nasabing rehiyon sa bakunang dumarating sa bansa.

Sa pagdinig ng House committee on Mindanao affairs kahapon, nanggalaiti si Rodriguez, hindi lamang kay Galvez kundi maging kina Health Secretary Francisco Duque at Cabinet Secretary Karlo Nograles dahil hindi umano pinansin ng mga ito ang kanyang sulat noong nakaraang buwan na bigyan ng prayoridad ang Mindanao sa COVID-19 vaccines.

“I will fault you vaccine czar. I will fault you for the death of my barangay chairmen and also family members,” galit na pahayag ni Rodriguez sa pagdami ng mga namamatay sa Cagayan de Oro City.

Ayon sa mambabatas, kung binigyan lang ng prayoridad ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang panawagan ng Mindanao na bigyan sila ng prayoridad sa COVID-19 vaccines ay naiwasan sana ang pagkamatay ng mga tao dahil sa nasabing virus.

Sa kasalukuyan, dumarami ang kaso ng COVID-19 sa Mindanao kasama na ang Cagayan de Oro kung saan marami na umano ang namamatay kaya walang ibang dapat sisihin umano rito kundi si Galvez. (BERNARD TAGUINOD)

144

Related posts

Leave a Comment