‘Di dapat sumawsaw sa COVID-19 cases sa Davao LENI WALANG ALAM – SARA

NANINIWALA si Mayor Sara Duterte-Carpio na walang alam si Bise-Presidente Maria Leonor “Leni” Robredo sa tunay na pangyayari sa problema ng coronavirus disease-2019 (COVID-19) sa Davao City, kaya walang karapatang batikusin ang lungsod kahit siya pa ang pangalawa sa pinakamataas na opisyal ng bansa.

Birada ni Duterte kay Robredo: “if she knows nothing about what is happening on the ground”.

“This has been the hallmark of her term as VP, where she puts forth comments on matters and affairs she lacks understanding and knowledge on and does not offer anything helpful to solve a problem”, susog ng alkalde.

Ang pahayag ni Duterte ay reaksyon niya sa batikos ni Robredo laban sa kanya.

Sa kanyang programa sa radyo nitong Linggo, binanggit ni Robredo na numero uno ang Davao City ngayon sa mga kaso sa COVID-19.

Dinaig pa ng Davao ang Quezon City.

Dati, isa sa mga nangunguna ang Quezon City.

“Ang number one, Davao. Medyo nakaka-alarm ito kasi mas mataas siya kesa Quezon City. So, the mere fact na mas mataas siya, mas alarming iyon kasi mas kaunti ang kanyang (Davao) population”, birada ni Robredo.

Iminungkahi pa ni Robredo na gayahin ng pamahalaang lungsod ng Davao ang Cebu sa paglutas sa malalang kaso ng COVID-19.

Kinumpirma ng OCTA Research na dinaig na ng Davao City ang Quezon City sa dami ng mga kaso sa COVID-19. (NELSON S. BADILLA)

218

Related posts

Leave a Comment