INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong Lunes (Hunyo 14) ang ekstensyon o pagpapalawig ng general community quarantine (GCQ) classification sa National Capital Region at Bulacan mula Hunyo 16 hanggang Hunyo 30, 2021.
“Some restrictions shall, however, be observed and applied in the abovementioned areas,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
Inilagay naman ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga lalawigan ng Laguna, Cavite, at Rizal sa Region 4-A sa GCQ “with heightened restrictions” mula Hunyo 16 hanggang Hunyo 30, 2021.
Ang iba pang lugar na nasa ilalim ng GCQ mula Hunyo 16 hanggang Hunyo 30, 2021 ay Baguio City, Kalinga, Mountain Province, Abra, at Benguet sa Cordillera Administrative Region; Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino sa Region 2; Batangas at Quezon sa Region 4-A; Iligan City sa Region 10; Davao del Norte sa Region 11; General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, Cotabato, at South Cotabato sa Region 12; at Lanao del Sur at Cotabato City sa BARMM.
Inilagay naman sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) mula Hunyo 16 hanggang Hunyo 30, 2021 ang City of Santiago at Cagayan sa Region 2; Apayao at Ifugao sa Cordillera Administrative Region; Bataan sa Region 3; Lucena City sa Region4-A; Puerto Princesa sa Region 4-B; Naga City sa Region 5; Iloilo City at Iloilo sa Region 6; Negros Oriental sa Region 7; Zamboanga City, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur, at Zamboanga del Norte sa Region 9; Cagayan de Oro City sa Region 10; Davao City sa Region 11; at Butuan City, Agusan del Sur, Dinagat Islands, at Surigao del Sur sa CARAGA. (CHRISTIAN DALE)
154 