NALAMBAT ng mga tauhan ni PNP-PRO5 Director Jonnel C. Estomo sa lalawigan ng Cavite ang isang rape suspect sa lalawigan ng Sorsogon makaraan ang 19 taong pagtatago.
Ayon kay P/BGen. Estomo, “The essence of strategy is choosing not what to do”. Ito ay makaraang matunton ng PRO5 Team mula Bulusan MPS sa Tanza, Cavite ang suspek sa panggagahasa sa isang Grade 3 student, na si Antonio Galpa Belolo, ng Brgy. Tinampo, Bulusan, Sorsogon.
Sa tulong ng Tanza MPS at Cavite PNP, nagsagawa ang mga awtoridad ng law enforcement operation sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Leonor G. Romeo, executive judge ng RTC Branch 54, 5th Judicial Region, Gubat, Sorsogon, na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.
Ayon sa ulat, hinalay ng suspek ang kapitbahay niyang isang batang babae noong 2002 at agad nagtago nang mabatid na kinasuhan siya ng pamilya ng biktima.
“We have been getting the ones on top of our list. This speaks well on how bent we are to intensify our campaign against on the loose criminals. I want the portals of my office to be the source of confidence of Region 5,” ani P/BGen. Estomo.
Kasalukuyang nakadetine ang suspek sa Bulusan MPS lock-up jail. (JESSE KABEL)
129 