5 DAGDAG SA CALOOCAN COVID DEATHS

LIMA ang nadagdag sa death toll sa COVID-19 sa Caloocan City habang isa naman sa Valenzuela City noong Hunyo 23.

Pumalo na sa 37,694 ang tinamaan ng COVID sa Caloocan, at sa nasabing bilang ay 35,986 na ang gumaling habang 1,060 ang namatay.

Naitala naman sa 648 ang active cases sa lungsod matapos na 29 ang bagong nagpositibo sa virus.

Samantala, sumampa na sa 20,530 ang nasapul ng pandemya sa Valenzuela City, kung saan 19,804 na ang nakarekober at 529 ang binawian ng buhay.

Batay sa record ng City Epidemiology and Surveillance Unit, 197 ang active cases sa lungsod makaraang 41 ang bagong dinapuan ng sakit at 39 naman ang nakarekober.

Walang iniulat na namatay dahil sa COVID sa Malabon City kaya’t nananatiling 443 ang COVID casualties ng lungsod.

Ayon sa City Health Department, 12 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 13,422 ang positive cases sa siyudad, 101 dito ang active cases.

Habang 11 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling at sa kabuuan ay 12,878 ang recovered patients ng Malabon.

Wala ring naitalagang namatay sa nasabing petsa dahil sa pandemya sa Navotas City at hindi gumalaw ang 368 pandemic fatalities ng lungsod.

Umakyat na sa 10,987 ang total cases sa lungsod, kung saan 10,564 na ang gumaling at 55 ang active cases matapos na 11 ang gumaling at lima ang bagong nahawaan. (ALAIN AJERO)

132

Related posts

Leave a Comment