PABOR ang Malakanyang sa panawagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na dapat manatili pa ring prayoridad ang Kalakhang Maynila sa bakuna laban sa COVID-19.
Ang katuwiran kasi ni MMDA chair Benhur Abalos Jr., ang Metro Manila ang may pinakamadaling magkaroon ng hawahan ng Delta Variant bukod pa sa ito ang sentro ng komersyo, negosyo, at pangunahing port of entry.
“We agreed po with MMDA chair at iyong siyensa.. iyan po ang dahilan kung bakit.. para po ma-contain ang pagkalat sa buong Pilipinas dahil sentro nga po ang Metro Manila ng hindi lamang po ng transportasyon kundi na rin ng kalakalan at pati na rin ang movement ng tao eh importante po na ma-contain muna dito sa Metro Manila kung saan naging pinakamataas ang numero ng corona virus,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
Ang pahayag pa ring ito ni Abalos ay sa kabila ng mga panawagang dapat maglaan ng mas maraming bakuna sa mga probinsya na may coronavirus disease (COVID-19) surge. CHRISTIAN DALE)
135 