MACHO CHIQUITO MAY FANS CLUB NA

MULA nang sunud-sunod nating ibinisto ang katiwalian ni alyas “Macho Chiquito” ng Bureau of Immigration (BI) ay dinagsa rin tayo ng tawag at text mula sa ating mga tagasubaybay, partikular ang mga empleyado sa ahensya.

Maraming nagtatanong kung sino nga ba si Macho Chiquito sa totoong buhay at ito naman ay agad na pinagkakaguluhan ngayon ng kanyang mga tagahanga at malamang isang araw ay dadagsa ang mga tao sa harap ng BI ­building upang magpa-autograph?

Aba’y hindi po, kundi upang mambato ng bulok na kamatis!

Ops, grabe naman kayo ‘di kaya mas maganda kung bugok na itlog?

Aba, dapat pala ay pasalamatan ni Macho Chiquito ang Bistador na nagpasikat sa kanya.

Ano kaya ang magandang ihagis nito sa kanyang fans?

Kung ang namayapang si April Boy Regino ay naghahagis ng caps na may autograph sa kanyang fans para maiba naman try mo kayang maghagis ng extra small na underwear mo na may pirma?

Ano kaya ang napapabalita kamakailan sa BI na isang raket na naman sa tanggapan ni Macho Chiquito na dinodoktor diumano ang date of entry ng mga Chinese na hawak ng ilang handlers na si “Charlie” at ang grupo ng “Huayi” upang hindi mag-over stay ang mga ito sa bansa?

Hindi ba’t ito’y isang pagnanakaw sa ating ahensya dahil imbes na magbayad ng tamang bayarin ang mga dayuhan na papasok sa ating kabang yaman ay napupunta lamang pala sa bulsa ng ilang korap na opisyal ng BI.

Bakit kaya nananatili pa rin sa kanyang puwesto itong si Macho Chiquito dahil kaya kay Mamang Pulis at kay Sir na posibleng nakikinabang dito?

Attention, Justice Secretary Menardo Guevarra, Office of the Ombudsman at kay Senator Ana Theresia “Risa” Hontiveros, ito dapat ang inyong imbestigahan kung kayo ay seryoso na malinis ang ahensya huwag na natin asahan ang anti-corruption ng ARTA ni Jeremiah Belgica dahil wala naman itong nagawa sa BI noong nagtungo ito sa ahensya na sa halip ay nakipag-selfie lamang sa ilang corrupt officials kabilang si Mr. Clean.

oOo

Para sa inyong Sumbong at Reaksyon, itext lamang ako sa 09158888410.

137

Related posts

Leave a Comment