PANAWAGAN NG OFW SA I-EXCELL MANPOWER

NAGPADALA ng sumbong ang ating Kabayani na si Gliceria Aguado na OFW sa Riyadh, Saudi Arabia.

Nakarating siya sa nasabing bansa, sa pamamagitan ng i-Excell Manpower Corporation, noong Setyembre 7,2019.

Bagamat hindi nakararanas ng pagmamaltrato mula sa kanyang amo, si Gliceria ay nakiusap sa AKOOFW na matulungan siyang makauwi sa Pilipinas.

Isa sa kanyang dahilan ay natapos na ang kanyang kontrata noong Mayo ng taong kasalukuyan.

At ang masaklap pa rito ay sinumbong ni ­Gliceria na siya ay ‘ibinebenta’ ng kanyang amo sa ibang employer upang mabawi nito ang ­ginastos, o binayaran, sa ahensya.

Isa pa sa ikinababahala ni Gliceria ay ang obligasyon niyang alagaan ang isang bata na kung saan ay panik-panaog siya sa ikalawang palapag ng tahanan ng kanyang employer at lubha siyang nababahala na baka maging dahilan ito ng ­pagkahulog sa hagdan ng kanyang alaga at siya pa ang sisihin.

Sobra na ring naapektuhan sa palaging pag-akyat sa hagdan ang kanyang tuhod na laging namamaga.

Sa liham na aking natanggap, sinabi niya: “masakit po ang paa ko, may bukol po.

May time po na bigla na lang po ako nahihilo. Nagmamakaawa po ako na makauwi na po sa Pilipinas”.

Ang sumbong na ito ni Gliceria ay akin nang ipinadala sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Overseas Operation Division na pinamumunuan ni Director Connie Marquez.

Umaasa rin ang AKOOFW na ang sumbong na ito ni Gliceria ay mabibigyan ng pansin ng i-Excell Manpower Corporation na kilala naman sa mabilis na pag-aksyon sa bawat sumbong ng kanilang deployed workers.

Samantala, ang AKOOFW ay labis na nagpapasalamat sa lahat ng mga OFW at pamilyang OFW mula sa ­Lingayen at Aguilar na parehong parte ng Pangasinan na dumalo sa isinagawang AKOOFW Info Caravan.

Naging matagumpay ang nasabing pagpupulong dahil sa suporta ng pangulo ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) ng Pangasinan na si Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil.

232

Related posts

Leave a Comment