HINDI lahat ay makadadalo sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Batasang Pambansa Complex, sa Quezon City.
Sinabi ni Presidential Security Group (PSG) Commander Jesus Durante III na titiyakin nilang magiging maayos at ligtas ang huling SONA ng pangulo sa gitna ng pandemyang dala ng COVID-19.
“Until now we are still in the state of pandemic, so will implemented some measures, hindi lahat makakadalo, some will attend through (video conference), and there will be a minimal number of attendees doon po sa plenary, and everybody will be subjected to the health and safety protocols the the PSG will implement. Para po ito sa kaligtasan ng lahat,” ayon kay Durante.
Hindi naman matiyak ni Durante kung kailangang fully vaccinated ang mga dadalo.
Aniya, Mayo pa lamang ay naglalatag na sila ng security preparations para sa SONA ng Pangulo.
Nagsagawa na aniya sila ng serye ng pagpupulong sa kanilang counterparts, nagsagawa ng ocular at site inspections. (CHRISTIAN DALE)
153 