PAGLUWAG SA NCR ‘DI PA NAPAGPAPASYAHAN

MAHIRAP pang mapaluwag ang quarantine classifications o status ng Kalakhang Maynila.

Ang Kalakhang Maynila ay kasalukuyang nasa General Community Quarantine (GCQ) na mapapaso na sa Hunyo 30.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ay nakatakdang magpulong [kahapon ng] hapon para pag-usapan ang quarantine classifications ng mga lugar para sa buwan ng Hulyo.

“I will not pre-judge pero sa tingin ko po ay GCQ po ang ating current quarantine classifications sa Metro Manila, e siguro po mahirap po magbago ng classification as of now,” ayon kay Sec. Roque.

Hindi naman nagbigay pa ng karagdagang detalye si Sec.Roque sa usaping ito.

Ang rekomendasyon ng IATF ay nananatiling “subject to the appeal” ng iba’t ibang local government units.

Ang tinatawag na NCR Plus, ay kinabibilangan ng Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna ay nasa ilalim ng GCQ hanggang matapos ang buwang kasalukuyan. (CHRISTIAN DALE)

184

Related posts

Leave a Comment