FULL alert na ang Department of Health Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) at ilang ahensya ng gobyerno matapos itaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa alert level 3 status ang Bulkang Taal.
Ayon kay OIC-Regional Director Paula Paz M. Sydiongco, nasa code white alert ang mga pasilidad sa probinsya ng Batangas at handa nang tumanggap ng mga pasyente ‘in case of emergency’.
“We will be providing N95 masks and jerry cans to residents in high-risk areas in preparation for evacuation.”
Dagdag pa ni Sydiongco, “The Batangas DOH-Provincial Health Team Office is now mobilized and prepared to provide preventive health measures that may be caused by volcanic eruption including burns, suffocation, skin diseases, respiratory problems and even death.”
Nagpaalala rin ito sa mga residente na malapit sa bulkan na magsuot ng face masks at faces shields dahil sa ibinubuga ng bulkan na smog o fog dahil nagiging sanhi ito ng pangangati ng mata at lalamunan at sakit sa baga lalo na sa matatanda, buntis at mga bata.
“Sa mga komunidad na nakatira sa paligid ng Taal, doblehin po natin ang pag-iingat at manatiling nakaantabay sa mga anunsyo at sumunod sa mga utos ng ating lokal na pamahalaan para sa ating kaligtasan,” ani Sydiongco.
167
