P3.4-M SHABU KUMPISKADO SA 2 MIYEMBRO NG SINDIKATO

CAVITE – Arestado ang dalawang hinihinalang miyembro ng drug syndicate makaraang makumpiskahan ng halos P3.4 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang anti-illegal drugs operation ng Philippine National Police at PDEA sa lalawigang ito, noong Biyernes.

Ayon sa ulat ni Police Brigadier General Remus B. Medina, director PNP Drug Enforcement Group, kay Philippine National Police chief, General Guillermo Lorenzo Eleazar, kinilala ang mga suspek na sina Jeric Ramirez alyas “Jam,” at Analyn Aguirre alyas “Lovely” na umano’y siyang nagpapakalat ng shabu sa Region 4A, NCR at ilang kalapit na mga probinsya.

Kasama ng Cavite Police ang mga elemento ng PNP-DEG Special Operation Unit NCR, sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Glen C. Gonzales, PDEA 4A, Imus City Police Station, at Cavite Police Provincial Office sa ikinasang operasyon laban sa mga suspek bandang alas-4:30 ng hapon sa McDonalds parking lot sa Daang Hari, Imus City, Cavite.

Kumpiskado sa mga suspek ang tinatayang 500 grams ng hinihinalang shabu na tinatayang P3.4 milyon ang halaga, isang Mitsubishi Adventure at isang analog cellular phone.

Nasa pangangalaga na ng PNP DEG NCR Office ang arestadong mga suspek. (CYRILL QUILO)

347

Related posts

Leave a Comment