LADY DRUG SUPPLIER TIKLO SA TAGUIG

ARESTADO sa ikinasang buy-bust operation sa Taguig City ng mga operatiba ng pulisya ang isang babaeng hinihinalang bigtime drug supplier sa South Metro Manila at katabing mga lalawigan, noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Rohane Palog alyas “Rica Baby,” residente ng Road 15, Maguindanao St., Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City, nakumpiskahan ng tinatayang 135 gramo ng shabu na P918,000 ang street value.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagsagawa ng ‘casing’ ang mga operatiba bago ikinasa ang buy-bust operation sa suspek sa isang restaurant sa Manuel L. Quezon St., Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City noong Biyernes.

Umaktong poseur buyer si P/Cpl. Reagan S. Constantino at back-up na si Pat. Morrison J. Misalucha, kapwa ng REDEU, NCRPO sa tulong ng mga pulis ng Taguig City.

Matapos ang abutan ng marked money na P3,000 at transparent plastic sachet na may lamang shabu, agad hinuli at pinosasan ng mga alagad ng batas si alyas Rica Baby.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang 14 piraso ng transparent plastic sachet na may lamang shabu at tatlong piraso ng tig-P1,000 marked money.

Inihahanda na ang kaso laban kay alyas Rica Baby sa paglabag sa Sec. 5 & 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (DAVE MEDINA)

179

Related posts

Leave a Comment