OLDEST RESORT SA BORACAY IPINASARA NG DENR

bora22

(NI ABBY MENDOZA)

TULUYAN nang ipinasara ng Department of Environment and Natural Resources(DENR) ang Boracay Plaza Resort sa Boracay Island matapos bigong sumunod sa nauna nang kautusan ng ahensya.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu ang closure order laban sa nasabing resort ay ang kauna-unahan matapos ang pagbubukas muli ng isla matapos ang isinagawang rehabilitation nong Abril hanggang Oktubre noong nakaraang taon.

Ani Cimatu, patuloy na nilalabag ng establisimyento ang road easement law at patuloy na nag-o-operate nang walang kaukulang clearance at permit.

Lumilitaw na Abril 2018 pa nang isyuhan ng demolition order ng DENR ang resort dahil sa paglabag sa easement law subalit hindi ito tumalima sa kautusan at patuloy ang paglabag.

Nabatid na ang mga katabing establishimento ng Plaza Resort na nagkaroon ng paglabag easement law ay inalis na ang kanilang mga illegal structures maliban sa nasabing resort kaya naman ang pagmamatigas nito ay may katapat nang final closure order.

Ang Boracay Plaza Beach Resort ay nagbukas sa Boracay noon pang dekada 70 at tinuturing na isa sa pinakmatandang resort sa Boracay.

225

Related posts

Leave a Comment