MAGSASAKANG RAPE SUSPECT LAGLAG SA PNP-PRO5

SWAK sa rehas na bakal ang isang 27-anyos na magsasakang rape suspect makaraang damputin ng mga tauhan ni PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo sa Brgy. Casay Casiguran, Sorsogon.

Kinilala ni P/BGen. Estomo ang suspek na si Randy Hajas Macalinao, dinakip sa bisa ng warrant of arrest sa kasong rape na inisyu ni Hon. Zach L. Zaragoza-Ziga, presiding judge, Family Court, RTC 5th Judicial Region Branch 12, Sorsogon City, nitong Hunyo 15, 2021.

Ang suspek ay tinaguriang no. 3 municipal level most wanted person ng Casiguran MPS.

Ayon sa ulat mula sa Sorsogon Police Provincial Office, Mayo 10, 2021, nang nagtungo ang batang biktima sa himpilan ng Women and Protection Desk ng Casiguran MPS kasama ang kanyang ina upang humingi na tulong sa umano’y kahalayang nangyari sa kanya.

Sa paglalahad ng biktima, Enero 2012, habang namumulot siya ng bunga ng “balig-ang” nang kaladkarin siya ng suspek at dinala sa masukal na lugar at ginahasa.

Dagdag pa sa salaysay ng biktima, naulit ang panggagahasa noong Marso 2012 at sa pagkakataong ito ay ang kakambal naman ng suspek na si Rex ang naging salarin. Habang naglalaro aniya siya sa tapat ng bahay ng mga Macalinao ay hinablot siya ni Rex at hinalay.

Si Randy ay nasa kustodiya na ng Casiguran MPS at ang kakambal naman nitong si Rex ay dati nang nakapiit sa BJMP dahil sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act). (JESSE KABEL)

127

Related posts

Leave a Comment