19 katao naaresto ng NBI JUETENG DEN SA VALENZUELA, CALOOCAN SINALAKAY

UMABOT sa 19 katao ang arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation – National Capital Region (NBI-NCR) makaraang salakayin ang isang hinihinalang gambling den sa Valenzuela City.

Nag-ugat ang pagsalakay dahil sa impormasyon mula sa confidential informant kay Supervising Agent Edgardo E. Baldemos na talamak ang illegal gambling na jueteng sa iba’t ibang erya ng mga lungsod ng Caloocan at Valenzuela.

Nabatid sa reports, isang nagngangalang “Oyie” ang nag-o-operate ng illegal numbers game sa buong Caloocan sa kabila ng ongoing campaign laban sa illegal numbers game ni Mayor Oscar Malapitan.

Arestado ang mga suspek sa isinagawang entrapment operation ng mga operatiba ng NBI-NCR, sa pangunguna ni Baldemos bilang overall team leader, dakong alas-11:30 ng umaga sa Lopez II, Veinte Reales, Valenzuela City noong Hunyo 28, 2021.

Kabilang sa mga nadakip sa nasabing pagsalakay sina Israel Tiamzon y Medina, Romeo dela Paz y Calleja, Jeffrey Arrisga y Sto. Domingo, Joseph Rigodon y Dela Torre, Wilma Sanchez y Pader, Marietta Licay y Dayrit, Cherry Neones y Bulalaque, Rolan Gomez y Fernandez, Daniel Ocbian y Pelin, Eddie Tiamzon y Santos, Jimmy de Leon y Defante, Angel Gonzales y Tindogan, Rolando Dael y Dizon, Julius Escalante y Lamsen, Jennifer De Zafra y De Jesus, Salvacion Gabieta y Dy, Zenaida Labado y Gabieta, Vicky Mendoza y Corvilas at Wilfredo Labado y Gabieta.

Nakumpirma ng mga ahente na positibo ang impormasyon sa isinagawang combined surveillance operations ng team mula sa Bagong Silang na sina Supervising Agent Enrico Cavero, Jr., Agent III Norman Revita at SI IV Raffy Arcangel Gonzaga; mula sa grupo sa Tala, Malaria na sina Head Agent Dante Pua, Supervising Agent Emelito O. Santos, Jr. at Agent Gary P. Ruiz; at mula sa Valenzuela sa pamumuno ni Agent Elizaldo Beltran, Supervising Agent Mamerto B. Tello, Jr., Agent John Bacho, Agent Richard Sison at Intelligence Officer Julius Baun.

Nabatid sa actual surveillance na ang mga mananaya ay nakapapasok sa gambling den para doon tumaya. Ang araw-araw na bola ay isinasagawa tuwing alas-12:00 ng tanghali, alas-4:00 ng hapon at alas-8:00 ng gabi.

Si NBI agent Tello na umakto bilang poseur-bettor ay tumaya kay Jennifer de Zafra gamit ang fifty peso bill with serial number DN911093 marked as JVSB at dalawang twenty peso bill with serial numbers CW642102 and KT801564, marked as MST and NSM.

Sinampahan ang mga arestado ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 as amended by Republic Act 9287 sections 3c and 4.

293

Related posts

Leave a Comment