IPINAHAYAG ni Milwaukee Bucks head coach Mike Budenholzer na nagsimula nang magpraktis ang injured star player ng team na si Giannis Antetokounmpo.
Nagsagawa si Antetokounmpo ng on-court workout na hiwalay sa team’s afternoon practice kahapon, ayon sa Bucks coach.
“He’s had a good day,” ani Budenholzer. “He’s making good progress.”
Ngunit hindi nito sinagot ang tanong ng isang reporter kung anong espisipikong exercises ang ginawa “without pain” ng franchise player.
Nagtamo ng hyperextended left knee injury si Antetokounmpo sa Game 4 ng serye kontra Atlanta Hawks, dahilan kaya’t hindi siya nakalaro sa Games 5 at 6 kung kailan nanalo at tuluyang umusad sa NBA Finals ang Bucks.
Ngayon (Manila time) magsisimula ang Game 1 ng best-of-seven NBA Finals sa pagitan ng Milwaukee at Phoenix Suns.
131 