PACQUIAO SUPORTADO PA RIN SA LABAN SA BOXING

SA gitna ng namuong iringan sa pagitan nina Senador Manny Pacquiao at iba pang lider ng ruling Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-LABAN), sinabi ni Senador Christopher “Bong” Go na nananatiling suportado nila ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Pambansang Kamao sa nalalapit na laban nito kay WBC at IBF world welterweight champion Errol Spence Jr. sa Agosto.

“Actually, nagkausap kami ni Pangulong Duterte tungkol dyan. Bilang Pilipino, suportado namin si Senator Manny sa kanyang laban,” ayon kay Go sa isang pnayam nang bisitahin nito ang mga naging biktima ng sunog sa Cainta, Rizal nitong Martes, Hulyo 6.

Sa kabila ng mga usapin, hinikayat ni Go ang mga taong may reklamo sa korapsyon na “back-up-an” ang kanilang mga ipinapahayag upang matugis ng pamahalaan ang mga perpetrator at panagutin ang mga ito.

“Kaya nga po importante ebidensya. In fairness to everybody, pangalanan po. Ilatag po ang ebidensya para naman po malaman ng taumbayan kung meron ba talagang korapsyon at sino ba talaga ang sangkot,” ayon kay Go.

Umaasa naman si Go na mareresolba rin ang hindi pagkakaunawaan nina Pangulong Duterte at Pacquiao lalo pa’t hangad naman ng lahat na makamit ang iisang bagay at ito ay ang walisin ang korapsyon sa gobyerno.

195

Related posts

Leave a Comment