UMAASA si Senador Grace Poe na tuluyan nang makapagsusuot ng body camera ang buong puwersa ng Philippine National Police (PNP) sa lahat ng operasyon nito upang mapreserba ang ebidensiya at karapatan ng indibidwal.
Sa pahayag, sinabi ni Poe, chairman ng Senate committee on public services na umaasa rin siya sa wisdom ng mga mahistrado ng Korte Suprema sa pagpapalabas ng guidelines sa paggamit ng body cameras.
“We look forward to our police force nationwide finally wearing body cameras in their operations,” ayon kay Poe.
Sinabi ni Poe na inaasahan ng mamamayan na nakapagsagawa na ang PNP at kinauukulang ahensiya ng pamahalaan ng tumpak at legal na proseso sa pagbili ng body cameras.
“Any report of possible irregularities does not bode well on the use of the body cameras which are seen as potential equalizer to show the unvarnished truth during operations,” paliwanag niya. (ESTONG REYES)
175 