9 KABABAIHAN NASAGIP SA BUGAW

SWAK sa selda ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang babaeng umano’y bugaw habang nasagip ang siyam na kababaihan na kinabibilangan ng limang menor de edad, sa isinagawang operasyon sa Taytay, Rizal.

Kinilala ni NBI Officer-in-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang suspek na si Angelica Ollague.

Batay sa ulat ng NBI-RIZDO, nakatanggap sila ng “tip” kaugnay sa human trafficking activities na nagaganap sa kalapit na bayan ng Rizal.

Ayon sa impormasyon, ilang bugaw sa lugar ang nagmamantina ng mga prostitute na pawang mga menor de edad at dinadala sa kalapit na mga hotel para makipagtalik sa kanilang mga parukyano kapalit ng pera.

Nagsagawa ang NBI-RIZDO ng surveillance operation at nakumpirma na ibinubugaw ng suspek ang mga babae kabilang ang ilang menor de edad.

Kaagad nagsagawa ng entrapment operation ang mga awtoridad at naaresto si Ollague.

Ang suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003) as amended by RA 10364 (Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012) at RA 7610 (Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act). (RENE CRISOSTOMO)

580

Related posts

Leave a Comment