2ND DOSE NG SINOVAC SA VALENZUELA PURNADA

PURNADA ang pagtuturok ng ikalawang doses ng Sinovac COVID-19 vaccines sa Valenzuela City dahil sa kakulanagan ng suplay, inihayag ng pamahalaang lungsod.

Ayon sa city hall, ang mga nakatakdang turukan ng ikalawang doses mula Hulyo 12 hanggang 22 ay kailangan munang maghintay ng ilang araw depende sa pagdating ng bagong mga bakuna mula sa pambansang pamahalaan.

Ito ay makaraang mag-isyu ang National Task Force Against COVID-19 sa mga lokal na pamahalaan ng Advisory No. 62 kung saan nakasaad na maaantala ang pagdating ng bagong batch ng Sinovac vaccines.

Samantala, ang mga tuturukan ng AstraZeneca, Moderna, at Pfizer-BioNTech vaccines ay maaari pa ring makumpleto sa schedule ng kanilang bakuna dahil mayroong reserbang suplay ng mga ito.

Kaugnay nito, sa likod ng paniniyak ng Department of Health, siniguro ng Valenzuela City sa mga residente na walang dapat ipag-alala sa pagkaantala ng kanilang pagbabakuna sa nakatakdang petsa dahil ang tatlo hanggang anim na buwang pagitan umano sa una at ikalawang doses ng Sinovac ay hindi makaaapekto sa bisa nito laban sa COVID-19. (ALAIN AJERO)

142

Related posts

Leave a Comment