‘TOO LATE’ NA TRAVEL BAN NG PAMAHALAAN PINALAGAN

PINALAGAN ng Malakanyang ang pahayag ng mga kritiko ng administrasyong Duterte na “too late” na ang Pilipinas sa pagpapatupad ng travel ban sa Indonesia na napaulat na may maraming kaso ng COVID-19 sa nakalipas na mga araw.

“Hindi naman po too late ‘yan kasi meron naman po tayong datos ng mga dumarating na mga pasahero galing Indonesia,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

“Unang-una wala po tayong turismo at wala rin po tayong business visas except for the long-term investor’s visas na in-issue natin,” dagdag na pahayag nito.

Nauna rito, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang 14 days travel ban ng mga manggagaling sa Indonesia at may travel history sa nabanggit na bansa.

Ang travel ban ay epektibo 12:01 a.m. noong July 16, 2021 at matatapos sa 11:59 p.m. ng July 31, 2021.

Ang mga nasa biyahe na aabutan ng pagsisimula ng travel ban bago sumapit ang 12:01 a.m. ng July 16 ay papayagang makapasok sa bansa pero kailangang sumailalim sa full 14-day facility quarantine at magpakita ng negative Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) result.

Samantala, sinabi ni Sec. Roque na mayroong 724 byahero mula Indonesia ang nakapasok sa Pilipinas mula Abril hanggang Hulyo ngayong taon. (CHRISTIAN DALE)

84

Related posts

Leave a Comment