DRIVER ITINUMBA SA HARAP NG BAHAY

QUEZON – Patay ang isang driver matapos barilin ng hindi kilalang suspek sa harap ng kanyang tinutuluyang lodging house sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Noriel Medrano Saez, 47, tubong Sta. Maria, Laguna at pansamantalang nakatira sa isang lodging house sa Barangay Tagbakin, Tiaong.

Ayon sa Tiaong Police, bandang alas-7:30 ng gabi, nakatayo ang biktima sa harap ng lodging house nang dumating ang suspek at binaril ito ng ilang beses gamit ang 9mm na baril.

Isinugod ang biktima sa ospital ngunit nalagutan ng hininga.

Inaalam pa ng mga pulis ang posibleng motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng suspek. (NILOU DEL CARMEN)

119

Related posts

Leave a Comment