LUMULOBO, INSENTIBO NI HIDILYN

SI Hidilyn Diaz sa ngayon ay may total cash windfall na P43 million matapos magpahayag ang Malacañang ng karagdagang P3 milyon para sa kauna-unahang Pilipino na nanalo ng Olympic gold medal.

Hindi pa kasama rito ang fully-furnished house and lot sa Zamboanga City at condo mula naman sa isang pribadong kompanya.

Nakatakda rin siyang pagkalooban ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Presidential Medal of Merit.

Si Diaz ang pang-apat na atleta na pagkakalooban nito. Ang tatlong nauna ay sina Manny Pacquiao, Gabriel “Flash” Elorde at Paeng Nepomuceno.
Kabilang pa sa mga pangakong insentibo kay Diaz ay:

• Tig-P10M mula sa business tycoons na. sina Manuel V. ­Pangilinan at Ramon S. Ang;

• P10M base sa isinasaad sa Republic Act No. 10699, o ­National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act, na ginawang batas noong 2015 ni yumaong Pres. Benigno S. Aquino III;

• P5M mula sa Phoenix Petroleum ni Dennis Uy;

• P3M mula kay Deputy House Speaker Rep. Mikee Romero at;

• P2.5M mula sa City of Zamboanga, na ipagpapatayo rin ang unang Pinoy Olympic gold medallist ng estatwa o monumento sa bagong renovate na Joaquin F. Enriquez Memorial Sports Complex para magsilbing inspirasyon sa lahat, lalo sa mga kabataan.

Dumating si Diaz sa Pilipinas Miyerkoles ng hapon at ngayon ay naka-quarantine gaya ng iba pang miyembro ng Team ­Hidilyn, bilang bahagi ng safety and health protocols. (ANN ENCARNACION)

105

Related posts

Leave a Comment