TATLO ang naitalang namatay sa COVID-19 sa Valenzuela City noong Hulyo 30, habang isa naman ang binawian ng buhay sa Navotas City sa sumunod na araw, ayon sa health office ng nasabing mga lungsod.
Umakyat na sa 564 ang COVID death toll sa Valenzuela City kasabay nang paglobo sa 466 ng active cases sa siyudad matapos na 58 ang nagpositibo sa virus at 31 lamang ang gumaling.
Pumalo na sa 21, 765 ang mga tinamaan ng COVID sa Valenzuela, at sa nasabing bilang ay 20,735 na ang gumaling.
Samantala pumanhik na sa 382 ang total COVID deaths sa Navotas City at 319 ang active cases habang 22 gumaling ang 18 nagpositibo sa virus.
Sumampa na sa 11,567 ang mga tinamaan ng COVID sa fishing capital, at 10,866 na sa kanila ang gumaling na.
Wala namang iniulat na namatay dahil sa COVID sa Malabon City noong Hulyo 31 kaya’t hindi nagbago ang 463 COVID death toll ng siyudad.
Gayunman, 30 ang nadagdag na confirmed cases sa nasabing araw at sa kabuuan ay 14,168 ang positive cases sa Malabon, 422 dito ang active cases.
Habang 11 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling at sa kabuuan ay nasa 13,283 ang recovered patients ng Malabon.
Wala pang inilalabas na COVID-19 cases update ang Caloocan City habang isinusulat ito. (ALAIN AJERO)
