3 BOC PORTS IBINAHAGI ANG ‘GOVERNANCE BEST PRACTICES’

UPANG mapalaganap ang mahuhusay at kagilas-gilas na sistema ng pangangasiwa ng organisasyon sa makabagong panahon, ibinahagi ng tatlong pantalan ng Bureau of Customs (BOC) ang kani-kanilang “best practices” sa isa’t isa.

Isinagawa ito ng Port of Manila (POM), Port of NAIA (Ninoy Aquino International Airport) at Manila International Container Port (MICP) noong Hulyo 28, sa pamamagitan ng zoom tele­
conference.

Ang aktibidad ay batay sa tinawag ng BOC na “Inter-port Governance Sharing”.

Ibinahagi ng POM at NAIA ang kanilang karanasan mula sa paghahanda hanggang sa aktuwal na presentasyon tungo sa pagkakamit ng ISO Certification.

Nakamit ng POM ang ISO 9001:2015 Certification noong Hunyo ng kasalukuyang taon, samantalang ang Port of NAIA ay nakapasa na sa unang stage ng ISO External Audit nitong Hulyo 21.

Kumbinsido ang pamunuan ng Port of NAIA na magtatagumpay ito sa naturang stage.

Ibinahagi naman ng MICP ang karanasan nito sa Performance Governance System (PGS).

Partikular nitong tinalakay ang mga estratehiya upang magtagumpay sa PGS kung saan naging “gold awardee” ang MICP.

Tinukoy ng BOC na ang pamamahagi ng mayamang kaalaman at kahusayan sa pangangasiwa ng organisasyon ay isa sa siyam na elemento ng PGS kung saan pokus nito ang “communica­ting good governance advocacy by identifying and sha­ring best practices within the organization”.

Idiniin ng BOC na sa pamumuno ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero, ang tatlong pangunahing pantalan ng ahensiya sa National Capital Region (NCR) ay pa­tuloy na maghahanap, mag-iisip at lilikha ng mga paraan at mekanismo “to [further] improve its processes and move towards the success of the Bureau in its PGS pathway”.

195

Related posts

Leave a Comment