Simula sa Biyernes CURFEW HOURS SA MM, 8PM-4AM

SIMULA sa Agosto 6 ay 8:00pm na hanggang 4am ang curfew hours sa Metro Manila.

Ito ay ipatutupad sa dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa MM o hanggang Agosto 20, 2021.

“Well nag-usap-usap na po ang mga alkalde at napagbotohan po ito at unanimous po sila…,” ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque.

Ukol naman sa liquor ban ay ipinaubaya na ito sa Local Government Units (LGus).

‘So far, may mga LGUs nga na nagsasabi na wala silang liquor ban kamukha ng Makati, Taguig, Pasig at Las Pinas at sa nakikita namin .. ang Valenzuela, Mandaluyong, Paranaque, Pasay, Navotas, Pateros, Quezon City at San Juan ay may mga liquor ban. So, pagdating sa liquor ban ay kanya-kanya po. Iyong iba ay kino-collate pa lang namin sa ngayon,” aniya pa rin. (CHRISTIAN DALE)

229

Related posts

Leave a Comment