PATULOY na hahatiran ng ACT-CIS party-list ng mga bigas at delata ang iba pang lungsod sa Metro Manila ngayong lockdown.
Ayon kay ACT-CIS Cong. Eric Yap, “so far, nahatiran na po natin ng mga bigas at delata ang Quezon City at Marikina at ilang mga parokya at TODA nitong nakaraang linggo.”
“Target po ng grupo namin na hatiran ng pagkain ang iba pang mga lungsod sa NCR (National Capital Region) at tapusin ito this week,” dagdag pa ni Cong. Yap.
“Batid po namin na made-delay ang ayuda ng national government sa mga LGU kaya tumulong na po kami,” aniya.
Ayon pa kay Yap, bagamat batid niyang hindi sasapat ang ayuda nila para sa mga constituents ng bawat lugar, dagdag lang ito para sa anomang ayuda na ibibigay ng LGU sa mga residente nila.
Nabatid na umaabot na sa 4,000 sako ng bigas at 500 kahon ng mga sardinas ang naipamahagi na ng ACT-CIS noong nakaraang linggo. (CESAR BARQUILLA)
156 