BOC KINATIGAN NG USAID

KINATIGAN ng United States Agency for International Development (USAID) ang Bureau of Customs (BOC) sa hangad nitong maging bahagi sa bidding process ng ASEAN Customs Declaration Document (ACDD) Management System.

Layon ng BOC na magkaroon ng isang electronic data exchange para sa ASEAN Single Window (ASW) regional trade facilitation platform upang palawakin ang programa nito sa international trade at digital trade process na nagbibigay bentahe sa Pilipinas sa kalakalan sa Timog-Silangang Asya.

Bunsod nito, nagpahayag naman ng kahandaan ang USAID sa pamamagitan ng ASEAN Policy Implementation (API) Project, na gabayan ang BOC sa pagsasaayos ng isang National Master Data Plan for Information Sharing and Interoperability gamit ang Technical Reference Model approach.

Sa ginanap na 10th ACDD Project team Meeting, ipinaliwanag ni Dennis C. Pantastico, ASW Regional Advisor ang USAID Concept Paper na gagamitin sa pagbuo ng technical reference guidelines.
Sakop ng nasabing guidelines ang kabuuang operational environment ng Single Window kun saan pwedeng magtala ng mga mahahalagang datos hinggil sa operational transactions, data extraction for risk profiling, business and informational rules, inter-agency information exchange, at maging ang detalyadong polisiya ng pamahalaan batay na din sa umiiral na batas sa komersyo at kalakalan.

Buwan ng Disyembre ng nakaraang taon nang simulan ng BOC ang pakikipag-ugnayan sa USAID API team sa pangunguna ni Elaine Tan sa kanyang kapasidad bilang USAID API Chief of Party at Deputy Commissioner Allan Geronimo, BOC-MISTG sa pagtukoy ng mga infrastructure requirements, gayundin sa aspeto ng paghahanda laban sa anumang information security issues at ang pagtataguyod ng lawak, target, angkop na pasilidad at disenyo ng ACDD management software.

173

Related posts

Leave a Comment