P3-M SHABU NASABAT SA 3 KATAO SA CAVITE

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P3 milyon halaga ng umano’y shabu ang nasamsam ng mga operatiba ng Cavite Police makaraang madakip sa isinagawang buy-bust operation ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa Bacoor City nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Kinilala ang mga arestado na sina Rex Anthony, 23; Jamael Taha, 35, at Inokaya Taha, 33, pawang mga residente ng Brgy. Habay 2, Bacoor City, Cavite.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Christian Nel Cuevas ng Bacoor City Police Station, dakong ala-1:30 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Bacoor CPS sa Brgy. Habay 2, Bacoor City na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Nakuha sa mga suspek ang tinatayang 500 gramo ng umano’y shabu na P3,400,000 ang street value, at buy-bust money.

Ang arestadong mga suspek ay kasalukuyang nakakulong sa Bacoor City Custodial Center. (SIGFRED ADSUARA)

132

Related posts

Leave a Comment