NASAKOTE sa ikinasang anti-illegal drugs operation ang isang umano’y drug pusher sa Manggahan St., Lakeview Homes. Brgy. Tunasan, Muntinlupa City noong Martes ng gabi.
Kinilala ang suspek na si Leo Romasanta, walang hanapbuhay, residente ng Maple St., Agro Homes, Brgy. Putatan, Muntinlupa City.
Nakuha ng mga operatiba ng Station Drugs Enforcement Unit sa pag-iingat ng suspek ang tinatayang 1.5 gramo ng umano’y shabu na tinatayang P10,200 ang halaga.
Ayon sa imbestigasyon, hirap na makakuha ng trabaho ang suspek kaya pinasok ang pagtutulak ng bawal na droga.
Inihahanda na ng pulisya ang isasampang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek. (DAVE MEDINA)
