OCTA ‘DI IPASASARA NG KAMARA

WALANG plano ang Kongreso na ipasara ang OCTA Research group na pinaiimbestigahan ng ilang kongresista para malaman kung saan galing ang mga datos nito sa COVID-19 cases na nagiging dahilan ng pagpa-panic ng mga tao.

Sa lingguhang Ugnayan sa Batasan, kapwa sinabi nina Quezon City Rep. Jesus “Bong” Suntay at Deputy Speaker Bernadette Herrera na malayo sa katotohanan ang mga ikinatatakot umano ng ilang sektor na magagaya ang OCTA sa ABS-CBN na naipasara ng Kongreso.

“Nagulat kami that some sector wants to make it appear that this (investigation) is some sort of witch hunt, it means to shut down OCTA, which is far from the truth,” ani Suntay.

“Alam ko may tinanungan si Professor Ranjit (Rye)…ano ba magiging para bang ABS-CBN ba kami…walang ganung direksyon,” ani Suntay dahil ang nais lamang umano ng mga ito ay maunawaan ang mga datos na inilalabas ng OCTA at ano ang naging batayan ng mga ito.

Ganito rin ang pahayag ni Herrera na umamin na tumawag sa kanya si Rye dahil natatakot umano ang mga ito sa gagawing imbestigasyon sa kanila.

Inamin ng mambabatas na isa sa mga ikinababahala nila sa tuwing may pronouncement ang OCTA ay naaapektuhan ang ekonomiya, hindi lamang ng gobyerno kundi ng mga tao.

Ito umano ang nais nilang iwasan kaya nagpatawag ng imbestigasyon.

Nais din umanong alamin sa imbestigasyon kung bakit hindi nagkakatugma ang datos ng DOH at OCTA kung iisa lang ang pinanggagalingan ng kanilang impormasyon. (BERNARD TAGUINOD)

101

Related posts

Leave a Comment