NAGLABAS ng pahayag ang consumer group na Bantay Konsyumer, Kalsada, Kuryente (BK3) kamakailan na naghihikayat sa ating mga kababayan na paghandaan ang epekto ng bagong ECQ, lalo na sa kanilang mga bayarin.
Ayon sa grupo, muling isinailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang NCR at muli namang sinuspinde ng Meralco ang pagputol nito ng serbisyo ng kuryente.
Naniniwala din ang BK3 na mainam ang bagong ECQ na ito para makatulong sa layunin ng gobyerno na mapabagal ang pagkalat ng bagong DELTA variant ng COVID-19 virus.
Hinikayat ng BK3 na maging masinop sa paggamit ng ating mga kagamitan sa bahay upang tayo ay makatipid at upang maiwasan ang labis na paglobo ng ating konsumo sa kuryente.
Hindi maipagkakaila na dahil sa dalawang nagdaang ECQ ay lubos na naapektuhan ang sistema ng pagbayad sa kuryente ng mga consumer.
Nagkapatung-patong ang mga bayarin ng mga kababayan nating naapektuhan ng virus hindi lang sa kalusugan kundi pati na rin sa kabuhayan.
Kung kaya’t dapat ding mas maging mapanuri sa mga kagamitang may mas mataas na Energy Efficiency Ratio (EER). Patuloy na tumutok sa iba’t ibang paraan ng pagtitipid na magmumula sa mga eksperto.
Dagdag dito, hinikayat din ng BK3 ang sambahayan na ngayon pa lang ay agad nang pag-usapan at ayusin ang mga bayarin na parating, lalo na sa kuryente.
Matatandaang matapos ang unang ECQ ay dinumog ang Meralco ng mga customer na may mga katanungan at mga nagnanais na palawigin pa ang panahon para makabayad ng naiwang bills.
Paalala rin ng BK3 sa ating mga kababayan, huwag na muling paabutin sa ganitong sitwasyon at ngayon pa lang ay makipag-usap na sa Meralco tungkol sa
pagbabayad ng bills.
Matatandaang nanawagan din ang Department of Energy kamakailan para hindi tayo maperwisyo at walang maging problema sansuplay ng kuryente.
Nitong linggo, inanunsyo ng Meralco na sususpindihin muna nila ang kanilang disconnection activities para sa mga area na under ECQ at MECQ. Ayon sa Meralco, ginawa nila ito para makatulong sa mga customer nito.
Sa mga lugar na sakop ng Meralco franchise area, nailagay under MECQ ang Laguna mula August 1 hanggang 15. Ang NCR naman ay nasa ilalim ng ECQ mula August 6 hanggang 20. Ang Bulacan, Cavite, Rizal at Lucena City ay under GCQ with Heightened Restrictions. Ang Batangas at Quezon Province naman ay under GCQ sa buong buwan ng August.
Ipagpapatuloy pa rin ng Meralco ang mga operation nito katulad ng meter reading at bill delivery activities, alinsunod sa order ng Energy Regulatory Commission (ERC).
“Kaya naman, sa mga may kakayahan na makapagbayad ng kinonsumo sa kuryente ay mas mabuting gawin na ito sa lalong madaling panahon. Para naman sa mga nangangailangan pa ng kaunting panahon, gawin na rin ang pakikipag-usap ngayon,” paghimok ng BK3 sa mga consumer.
Bagama’t nagtaas ng bahagya ang Meralco hindi naman ito ika nga sa kanila mapupunta pagkat ito ay pagtaas sa transmission charge na dahil sa NGCP. Pero bakit itong si Zarate sinabihan ang Meralco na ‘wag ng sumingil sa nasabing charge. Teka ‘di ba ‘to nagbabasa ng balita o sadyang ginugulo lang ang usapan. Transmission charge nga eh, sa transmission company o NGCP napupunta.
158 