IPINAG-utos ni Pangulong Rodrigo Roa sa mga awtoridad na habulin ang mga taong nagbebenta ng coronavirus vaccines sa bansa.
Ito’y sa gitna ng pagsisikap ng pamahalaan na protektahan ang public health at pigilan ang pagkalat ng coronavirus.
Iginiit ng pangulo na tanging ang pamahalaan ang magdi-distribute ng vaccine supplies sa mamamayang Filipino sa ngayon.
Ang direktiba ay ibinigay ng pangulo kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa idinaos na miting kasama ang top government officials on pandemic response, araw ng Lunes.
“There are reports of, you know, not — not really validated, but reports about vaccines being sold somewhere o ano. True or not, I would like to ask you to kindly see to it that nobody but nobody holds or would possess vaccines na para sa gobyerno ‘yung atin,” ayon sa pangulo.
“Iyong supply natin, whether donated or ating binili, should not be in the hands, not even one vial of it, in private hands. Kindly see to it na ano na hindi magamit ng iba,” ang paalala pa ng chief executive.
Samantala, sinabi ni Galvez na hiniling na niya sa National Bureau of Investigation at Food and Drug Administration na magsagawa ng kaukulang imbestigasyon hinggil sa usapin. (CHRISTIAN DALE)
245 