VACCINATION PINABAGAL NG ECQ

BUMAGAL ang national vaccination program laban sa coronavirus disease (COVID-19) dahil sa re-imposition o muling pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) at iba pang lugar at ang mabilis na pagtaas ng kaso sa buong bansa.

Paliwanag ni vaccine czar at chief implementer of the National Task Force (NTF) Against COVID-19 Carlito Galvez Jr., maliban sa pagbabakuna ay nakikiisa rin ang local government units (LGUs) sa pamamahagi ng cash assistance (ayuda) sa ECQ areas habang ang mga healthcare worker ay kailangan i-accommodate ang tumataas na bilang ng mga bagong infected patient.

“Medyo bumababa po ang ating datos ngayon sa pagbabakuna dahil talaga pong ang ating mga LGUs ay kasalukuyang nag-aano po ng kanilang pandemic response at hati po ang effort ng ating mga healthcare workers sa tumataas na kaso ng COVID-19,” ayon kay Galvez.

Sa data mula sa NTF, ang vaccination output ay bumaba sa 482,564 administered doses para sa Agosto 8 hanggang 15 mula sa 527,824 doses na naitalaga mula Agosto 1 hanggang 7.
“This translates to a reduction of 45,260 doses in one week or around 6,466 doses in one day,” aniya.

Sa kabila nito, kumpiyansa si Galvez na makakaya ng pamahalaan na mabakunahan ang 15 milyong katao sa bansa. (CHRISTIAN DALE)

136

Related posts

Leave a Comment