Hindi nakapalag sa PNP-PRO5 STL AGENT ARESTADO SA SEVEN COUNTS NG RAPE

ARESTADO sa inilunsad na law enforcement operation ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5 ang isang lalaking gumahasa nang paulit-ulit sa isang isang menor de edad na pamangkin, nang matunton sa bayan ng Labo, sa lalawigan ng Camarines Norte noong Lunes ng hapon.

Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo, itinago ang suspek sa pangalang “Gerald,” 33-anyos, Small Town Lottery (STL) agent, at residente ng Purok 1, Brgy. Baay, Labo, Camarines Norte, para sa kapakanan ng kanyang biktima.

Si Gerald ay nahaharap sa pitong bilang ng kasong rape na may kaugnayan sa paglabag sa RA 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act” batay sa warrant of arrest ng ibinaba ng RTC Branch 64, Labo Camarines Norte, noong Agosto 6, 2021.

Ito ay bunsod ng sumbong ng 16-anyos na biktimang itinago sa pangalang “Ana,” sa himpilan ng Women and Children Protection Desk noong Mayo 27, 2021.

Ayon sa salaysay ng biktima, makailang ulit siyang pwersahang hinalay na may kasamang pagbabanta ng kanyang amain.

Dagdag pa ng biktima, tuwing sasapit ang madaling araw at wala ang kanyang ina, saka umano ginagawa ng suspek ang sekswal na pang-aabuso.

Pinagbantaan din umano siya na ‘di na muling makikita ang kanyang ina

sakaling ito ay may pagsabihan sa nangyari.

Nasa kustodiya na ng Labo MPS ang nasabing suspek upang isailalim sa kaukulang disposisyon at dokumentasyon.

Kaugnay ng sinumpaan nitong tungkulin, ang PNP Bicol, sa pangunguna ni P/BGen. Estomo, ay kaisa ng pamilya ng biktima upang tiyakin ang hustisya at pawiin ang takot pati na rin ang pangambang naidulot ng suspek sa dalagita.

“Sa muli, nais ko pong paalalahanan ang lahat, ‘wag kayong mag-alinlangang lumapit sa ating mga kapulisan kung kayo man ay nakaranas ang pang-aabuso o naging biktima ng kahit na anong krimen nang sa ganoon ito ay ating mabigyan ng agarang solusyon,” dagdag ni Estomo. (JESSE KABEL)

154

Related posts

Leave a Comment