80-ANYOS NA LAWYER NALUNOD SA TIMBA

BATANGAS – Aksidenteng nalunod ang isang senior citizen at retiradong abogado sa isang malaking timbang may tubig sa loob ng banyo ng kanilang bahay sa Lipa City noong Lunes.

Laking gulat ng kanyang mga kasambahay nang madiskubre ang wala nang buhay na biktimang kinilalang si Andres Octavio Macatangay, 80-anyos, habang nakalubog ang ulo mula sa dibdib sa isang malaking timbang may tubig sa banyo ng kanyang bahay sa Sauz Subdivision, Brgy. Sabang dakong alas-5:00 ng hapon.

Ayon sa imbestigasyon ng Lipa City Police, batay sa pahayag ng mga kapamilya, may kahinaan na ang katawan ng biktima at posibleng nawalan ito ng panimbang habang nasa loob ng banyo.

Natumba ito at napasubsob sa timba at hindi agad nakabangon dahilan para ito malunod.

Wala namang nakikitang foul play ang pulisya sa pagkamatay ng biktima at pinaniniwalaang aksidente lamang ang nangyari. (NILOU DEL CARMEN)

693

Related posts

Leave a Comment