7 IGINUPO NG COVID SA CAMANAVA

TATLO ang namatay sa Malabon City at tatlo rin ang binawian ng buhay sa Navotas City habang isa ang iginupo ng COVID-19 sa Valenzuela City, ayon sa ulat ng health offices ng nasabing mga lungsod.

Ayon sa Malabon City Health Department, umakyat na sa 503 ang COVID casualties ng lungsod. Umabot naman sa 122 ang nadagdag na confirmed cases noong Agosto 16, at sa kabuuan ay 15,467 na ang positive cases sa lungsod

Habang 105 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangays Acacia (5), Catmon (10), Concepcion (5), Dampalit (1), Hulong Duhat (6), Longos (23), Niugan (6), Potrero (3), San Agustin (10), Tañong (10), Tonsuya (9), at Tugatog (17). Sa kabuuan ay 14,205 ang recovered patients ng Malabon.

Pumanhik naman sa 412 ang pandemic fatalities ng Navotas at 1,210 ang active COVID cases matapos na 27 ang nahawaan at 30 ang gumaling

Hanggang 11:59 pm noong Agosto 15 ay sumampa na sa 12,848 ang nasapul ng pandemya sa Navotas, at sa nasabing bilang ay 11,226 na ang gumaling.

Samantala, hanggang 5 pm noong Agosto 16 ay 592 na ang total COVID deaths sa Valenzuela City, at 1,323 naman ang active cases matapos na 100 ang nagpositibo sa virus habang 250 naman ang gumaling.

Umabot na sa 24,106 ang confirmed COVID cases sa lungsod, at sa naturang bilang ay 22,191 na ang nakarekober.

Wala pang inilalabas na COVID-19 cases update ang Caloocan City habang isinusulat ito. (ALAIN AJERO)

235

Related posts

Leave a Comment