DIGITAL VAX CERTIFICATES ILALABAS

TARGET ng pamahalaan na magpalabas ng digital COVID-19 vaccination certificates sa susunod na buwan.

Sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Emmanuel Caintic sa Laging Handa public briefing na ang sertipikong ito ay sumunod sa pamantayan ng World Health Organization at kikilalanin sa ibang bansa.

Magbubukas ang DICT ng online portal kung saan maaaring ilagay ng publiko ang kanilang vaccination details.

Kapag nagtugma aniya ang vaccination details na ibinigay ng isang indibidwal sa impormasyon sa database ng gobyerno, ang inoculation certificate ay kaagad na maipalalabas.

Nasa ikatlong linggo na ang lokal na pamahalaan sa pagsasanay kung paano tutulungan ang kanilang constituents na mayroong mga tanong at problema ukol sa nasabing sertipiko.

Samantala, ang data para sa naturang sertipiko ay protektado sa pamamagitan ng private encryption at pangangasiwaan ng DICT at health department. (CHRISTIAN DALE)

167

Related posts

Leave a Comment